Ngayong panahon ng eleksyon, lumaki ang papel ng online spaces para sa pangangampanya. Ngunit namayagpag din ang mga tagapaghasik ng disinformation, at hindi rin ligtas sa harassment at cyberattack ang mga mamamahayag at mga ordinaryong mamamayang nagpapahayag ng kanilang mga opinyon online.
Sa harap ng mga panganib at bantang ito, paano masisiguro ng mga botanteng Pilipino ang kanilang kaligtasan?
Tinipon ng EngageMedia ang 9 digital safety tips para paigtingin ang digital security ng mga botanteng Pilipino ngayon, sa araw ng halalan, at pagkatapos ng Mayo 9. Ang mga tips na ito ay makatutulong sa pagbawas ng mga banta sa’yo at sa iyong komunidad.
Basahin ang buong listahan ng tips dito. Maaari rin itong basahin sa wikang Ingles, Ilokano, Hiligaynon, at Waray.
Ang video na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng EngageMedia para itaguyod ang digital rights at online safety ng mga Pilipino ngayong panahon ng halalan. Para sa karagdagang kaalaman, maari ring panoorin ang diskusyon tungkol sa disinformation kasama sina Prof Nicole Curato at Dr Jonathan Corpus Ong.