Basahin sa wikang Ingles, Ilokano, Hiligaynon, at Waray
Kumpara noong mga nakaraang eleksyon, lalong naging espasyo ng agawan ng boto ang internet. Naglipana ang mga pekeng impormasyon para maimpluwensyahan ang opinyong publiko. Nalalapit naman sa panggigipit at pananakot ang mga karaniwang mamamayang nagpapahayag ng kritikal na opinyon. Humaharap sa mga atake online ang mga mamamahayag at aktibistang nag-uulat at nagkakasa ng advocacy work kaugnay ng halalan.
Ligtas ka ba, inyong grupo o mga mahal niyo sa buhay mula sa mga nasabing banta? Anong magagawa mo para tumugon sa peligrong ito?
Tinipon namin ang ilang tips para matulungan ka’t mabawasan ang mga banta sa’yo at sa iyong komunidad at nang madagdagan ang iyong digital security ngayon at sa araw ng halalan.
Maging maalam sa usaping digital rights kaugnay ng eleksyon
1. Bantayan ang kasalukuyan at paparating na digital rights threats.
Mahalagang maging up to date pagdating sa mga cyberattacks, targeted harassment at iba pang digital rights threats habang nakikisangkot online (at offline) kaugnay ng paparating na eleksyon. Ito’y para na rin mapatindi ang pag-iingat mo kaugnay ng digital safety.
Para mapalawak ang kaalaman sa mga bantang digital (mapa-ngayon o sa hinaharap), sundan ang mga mapagkakatiwalaang news organisations at civil society groups gaya na lang ng Foundation for Media Alternatives at Out of The Box.
Magandang gumamit ng academic studies para matuto pa tungkol sa digital rights issues (fake news, bayarang trolls, influencer marketing at estilo ng pagmamanipula ng media sa Pilipinas) na nakaiimpluwensya sa halalan. Pagdating diyan, magandang reference ang 2019 study na ito tungkol sa pagmamanman sa digital disinformation.
2. Alamin ang karapatan mo mapa-online o offline.
Alam mo ba kung anong dapat gawin oras na takutin o kwestyunin ka tungkol sa mga advocacy activities mo?
Pwede mong simulang basahin ang Bill of Rights section ng 1987 Constitution nang malaman ang mga karapatan mo (mapa-online man o offline) para maigiit ang sarili at maitama ang mga maling pananaw.
Meron ding inilathalang “Know Your Rights” series ang Philippine Center for Investigative Journalism at Free Legal Assistance Group na pwedeng-pwede mong mabasa sa Ingles at Filipino. Magagamit mo ‘yan para malaman kung ano ang magagawa mo para maprotektahan ang sarili.
Ginawa naman ng National Privacy Commission ang pahinang ito para idetalye ang mga karapatan at proteksyong tinitiyak ng Data Privacy Act of 2012 pagdating sa ‘yong online rights. I-click ang blog na ito kung nalilito pa rin kung ano ba talaga ang “digital rights” na kanina pa nababanggit.
Mag-practice ng Digital Safety at Hygiene
3. Ugaliing ‘linisin’ ang accounts at devices.
Mapapataas ng pagpa-practice ng “digital hygiene” ang proteksyon mo laban sa posibleng cyber attacks at iba pang digital threats. Gamitin ang digital hygiene resource na inihanda ng EngageMedia para rito. Hindi man nito mapipigilan ang lahat ng gustong pumuntirya sa’yo, mababawasan nito nang husto ang pagiging bulnerable mo.
Pwedeng magsimula sa basics na ito:
- Gumamit ng malakas na passwords at paganahin ang two-factor authentication sa ‘yong devices at accounts;
- Gumamit ng browser extensions at iba pang software (halimbawa, Virtual Private Networks at Privacy Badger) para ma-minimise ang trackers na nagmamanman sa online activity mo; at
- Kaysa gumamit ng social media messaging apps, gumamit ng mas secure na applications para sa messaging at iba pang online activities (pwedeng gamitin ang Signal app para sa mga mensahe online).
4. Ibahagi ang digital safety practices sa komunidad.
Ngayong na-improve mo na ang personal digital hygiene mo, ibahagi ito sa mga kapamilya, kaibigan, at iba pa sa iyong komunidad. Maproprotektahan mo ang sarili at iba pa sa pamamagitan ng pagsipat ng mga “weak links” sa iyong mga nakakasalamuha.
Kung gusto mong mag-host ng digital safety session o kumuha ng resource speakers para sa ‘yong organisasyon o komunidad, kontakin lang ang EngageMedia.
Sa pagkakataong makaranas ka o ang kakilala ng digital attacks, tignan ang Digital First Aid Kit para gabayan ang sariling mag-troubleshoot sa oras ng kagipitan. Pwede ring lumapit sa EngageMedia para maikonekta agad sa incident response support groups.
Kumilos
5. Itulak ang digital media literacy at iwasang magpaloko online.
Sa nakaraang dalawang eleksyon, naging masusing isyu sa usaping digital rights ang pagpapakalat ng maling impormasyon online. Kung tutuusin, tumindi pa ito ngayong 2022 ngayong mas marami ang kumokonsumo sa election-related information online.
Mahalagang buuin ang media and information literacy para maispatan ang fake news at sari-saring manipulasyon online. May lesson plan at worksheets para riyan ang Out of the Box na maaaring maging sanggunian ng mga akademiko’t advocates para sa pagtuturo at pagtatalakay ng digital citizenship at media literacy.
I-practice ang mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng pamimili lang ng pagkukunan ng balita at iba pang kinokonsumo online. Ibahagi ang paalalang ito sa iba lalo na ‘yung mga bulnerable sa panloloko sa internet.
6. Gawing mas ligtas at makatotohanan ang online spaces para sa lahat.
Naglalabas ng fact-check stories online ang mga mapagkakatiwalaang news organisations — i-share ang mga ito sa inyong networks para aware ang mas maraming tao. Silipin ang VERA Files Fact-check, Rappler Fact-check at Philippine Fact-check Incubator para sa mga ganitong artikulo.
Kapag nakakita ka ng disinformation online, pwede mo rin ‘yang i-report mismo. Pinaliwanag ng World Health Organization sa kanilang online dashboard kung paano isusumbong ang mga kumakalat na COVID-19 disinformation online. Pwede mong sundan ang mga parehong hakbang sa pagre-report ng election-related online disinformation. Subukan ito sa TotooBa.Info, isang disinformation reporting platform na kakabit ng samu’t saring fact-checking initiatives.
7. Alamin ang mga panuntunan, bumoto ,at tumulong sa election-related efforts online.
Sa araw ng halalan, siguraduhing makaboboto ka! Bisitahin ang Commission on Elections website para sa updates at anunsyo bago ang eleksyon, pati na rin ang voter precinct finder.
Bago mag-shade ng balota, dapat ay pamilyar ka na sa kung anu-ano ang pwede at hindi mo pwedeng gawin sa presinto. Ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato o video ng iyong balota habang nasa loob ng voting precinct.
Para sa iba pang election “dos and don’ts,” basahin ang mga lumang election guides na ito na inihanda ng CNN Philippines at Rappler.
Pagkatapos bumoto, patuloy na sundan ang mga election watchdog groups at maging mapagmatyag pagdating sa election-related concerns sa inyong lugar. Gamitin ang social media para idulog ang mga usaping ito nang matugunan ito ng mga otoridad at masiyasat ng civil society advocates.
8. Patuloy na palakasin ang ‘yong digital safety at aralin ang digital rights matapos ang halalan.
Matapos man ang eleksyon sa ika-9 ng Mayo, hindi ibig sabihing ligtas na sa digital attacks ang mga advocates. Ngayong may basic understanding ka na at karanasan tungkol sa digital rights at safety, mainam na ituloy mo ang pag-aaral sa digital safety strategies sa pamamagitan ng pagbabasa ng karagdagang resources, gaya na lang nito mula sa Front Line Defenders.
Maaari ka ring manuod ng mga dokumentaryo na tumatalakay sa digital rights gaya na lang ng The Great Hack, Social Dilemma, at Coded Bias. Nariyan din ang Tech Tales kung trip mo ang short films pagdating sa iba’t ibang digital rights issues sa Asia-Pacific.
Naglalabas ang EngageMedia ng regular na content tungkol sa digital rights and safety sa Asya-Pasipiko, kung kaya’t mag-subscribe na sa aming newsletter para maging updated sa mga bagong artikulo, aktibidad, at resources.
9. Maging digital rights advocate.
Ngayong mas mulat ka na tungkol sa digital rights concerns at digital security strategies, kakailanganin mo ng mga kakampi at mga kampeon mula sa inyong mga komunidad.
Magsimula sa ‘yong mga kaibigan at mga nakakasama — malamang sa malamang ay magkahalintulad ang concerns niyo sa digital rights and safety. Bukod pa riyan, malaki ang posibilidad na ma-convert sila mula sa pagiging pasibong tagasuporta patungo sa mga empowered advocates.
Makipagtulungan sa iba at magpalawak ng kaalaman tungkol sa digital rights, turuan ang iba tungkol sa digital safety, at panagutin ang mga lumalabag sa mga karapatan sa espasyong digital.
Comments are closed.